Pag-aaral ng Vision Zero sa mga Rampa sa Freeway (Vision Zero Freeway Ramps Study), Yugto 3 Sagutan ang survey sa ibang wika: Español (Espanyol) | 中文 (Chinese) | English (Ingles) IntroduksiyonTutukuyin ng Pag-aaral ng Vision Zero sa mga Rampa sa Freeway (Vision Zero Freeway Ramps Study) ang mga pagpapahusay upang mapabuti ang kaligtasan at pagkakaroon ng mga koneksiyon sa 11 rampa sa freeway na nasa U.S. 101 at I-280 sa kabuuan ng Distrito 7, Distrito 9, Distrito 10, at Distrito 11 — sa timog at timog silangang mga bahagi ng lungsod.Kailangan namin ang inyong opinyon upang makatulong sa paghubog sa pinaka-unang mga disenyo para sa mga rampang ito. Ibabahagi ang burador o draft ng mga disenyo sa publiko para sa karagdagang pagbibigay ng mga opinyon sa kalagitnaan ng 2025. Inaasahan na aabutin ang survey nang hindi bababa sa limang minuto kada lugar ng rampa sa freeway; puwede kayong magbigay ng opinyon ukol sa kahit na ilang lugar na may rampa na gusto ninyong bigyan ng opinyon.Isinusulong ng pag-aaral na ito ang Stratehiya ukol sa mga Kalye at Freeway (Streets and Freeways Strategy) ng San Francisco noong 2022, na tumukoy sa mga rampa sa freeway na ito para sa pagpapahusay, dahil may kasaysayan ang mga ito ng banggaan at nasa, o malapit sa, Vision Zero High Injury Network (Kung Saan Marami ang Napipinsala) at Mga Komunidad na Binibigyan ng Prayoridad para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay (Equity Priority Communities). Ang Vision Zero ang pangako ng San Francisco na wakasan na ang mga pagkamatay nang dahil sa pagkabunggo at banggaan sa kalye at bawasan ang malalalang pinsala sa pamamagitan ng mga polisiya, programa, at disenyo ng kalye, at sa gayon, magawa ang paglalakad, pagbibisikleta, at pagsakay sa pampublikong transportasyon na ligtas, komportable, at kumbenyente. Alamin pa ang tungkol dito sa sfcta.org/vzramps. Question Title 12% of survey complete. Susunod