Geary/19th Avenue Subway (Tren sa Ilalim ng Lupa) At Survey sa Pag-aaral ng Mga Koneksyon sa Rehiyon

Gawin ang survey sa ibang wika: Español (Espanyol) | 中文 (Chinese) | English (Ingles)
Ang Awtoridad ng Transportasyon sa San Francisco sa pakikipagtulungan sa SFMTA at sa Departamento ng Pagpaplano ng San Francisco ay nag-aaral ng potensyal na bagong subway (tren sa ilalim ng lupa) sa ilalim ng Geary Boulevard at 19th Avenue bilang bahagi ng Geary/19th Avenue Subway (Tren sa Ilalim ng Lupa) at Survey sa Pag-aaral ng Mga Koneksyon sa Rehiyon.

Ang pamumuhunan sa subway (tren sa ilalim ng lupa) na ito ay inirekomenda sa Plano ng Transportasyon sa San Francisco ng Awtoridad ng Transportasyon pagkatapos itong makilala sa ConnectSF, ang pangmatagalang proseso ng pagpaplano ng transportasyon ng San Francisco. Ang layunin ng kasalukuyang pag-aaral ay upang ilatag ang mga estratehikong pagpipilian at mga pagsasaalang-alang sa pagpaplano para sa potensyal na pangunahing pamumuhunan sa kapital na ito. Ang layunin ng proyekto ay upang mas mapagdugtong ang mga komunidad sa loob ng San Francisco at sa mas malawak na Bay Area habang isinusulong at tinutugunan ang mga pangmatagalang layunin at pangangailangan sa transportasyon, klima, at pabahay ng ating lungsod.

Alamin pa sa sfcta.org/geary19th, at panoorin ang mga video ng mga kamakailang virtual na pagpupulong ng komunidad na nagpakilala sa pag-aaral.

T